Friday, August 21, 2015

The Ageless Heartache

Heart break knows no age. When you fall in love and get hurt at a young age. Akala mo katapusan na ng mundo, akala mo hindi mo kayang makalimot at mag move on. You hate the person who hurt you. Di mo mapigilan ang umiyak, magalit, magsisi kung bakit nagmahal ka pa. You tell yourself, it's ok. I need to feel the pain so I can get through this. So I can move on. And when you finally do. You fall in love again, and get hurt again. Pagdadaanan mo ulit lahat ng sakit at pait na dulot ng nasirang pagmamahalan. But you always move on kasi you are a lot more stronger each heartbreak. Then you get older. You tell yourself kaya mo ng kontrolin ang sarili mo. You tell yourself, this time 50% na lang ang love na ibibigay mo kasi ititira mo iyong kalahati para sa sarili mo. Sabi naman kasi ng lahat, huwag ka dapat todo magmahal. At dahil matanda ka na. Kaya mo na ang sarili mo. Kaya mo ng hindi masaktan. Para sa akin, mas less na lang ang sakit kasi nga pinagdaanan mo na lahat yan eh. Sanay ka na kumbaga.

Pero sabi ng friend ko. dahil matanda ka na, mas matindi na ang sakit kasi mas naiintindihan mo na kung ano ba ang tunay na love. Mas alam mo na kung bakit ka nagmamahal at kung bakit ka nasasaktan. I agree with her.Pero ano nga ba ang tunay na love? Heto ba iyong dapat bibigay nya sa iyo lahat ng oras nya? Heto ba iyong nagsasabihan kayo lagi ng i love you? Heto ba iyong may warm and fuzzy feelings? Iyong nakakakilig? 

Pero parang kulang naman. Ang true love eh dapat iyong love ni God who gave His only begotten Son to deliver us from our sins. Biruin mo iyon, nag-iisang anak nya pero hinayaan nyang mamatay para lang sa taong makasalanan? We were not even worth that love. 

Ang love eh parang iyong kay Jesus. He allowed himself to die on the cross for us. Matinding sakripisyo ito. Jesus, loved and forgave the people who crucified Him. Who mocked Him. Ni hindi siya nagtampo. Nasaktan Siya pero ni minsan hindi nya nagawang magalit sa atin. Todong pasensya nya. Hetong love na ito ang totoong unconditional. Hetong love na ito ang hinding-hindi ka sasaktan. Pure, solid joy lang ang dulot Niya. 

God teaches us to love. Find someone na mas mahal ang Diyos kesa sa iyo. Find someone na mas uunahin magbasa ng Bible kesa basahin ang text mo. Find someone who leads you closer to God. I remember one pastor telling his future wife "Cathe, if you get in the way of my relationship with God. We're over!". 

Rather, let God send you that someone. Just, you wait and see.